Cyber Crime Law Conversation

So bali tinanong ko ung law student na kaibigan ko patungkol sa insights nya about the Cyber Crime Law. Mas sya kasi ung nakakaintindi nung ibang technical term and other info bout sa RA. Ganito ung naging takbo nang pag-uusap namin.

Me: 1.Your thoughts on cyber crime law? In laymans term ah? Since you understand the law better than I do :)

2. Meron ba dapat ika worry ung mga karaniwang mamamayan na gumagamit ng social networking sites?

3. Nililimitahan ba tlaga nito ung freedom of speech? So does it mean bawal na magbigay ng negatibong komento? Dahil sa nasasaklaw na ng cyber crime law ung libel?

TJ: . Personally, I find the law very constricting. In a way kasi, yes, nalimit ang freedom of expression natin. 

Yes, the moment Maging effective ang law, which is tomorrow, ang walang tro, may dapat ikaworry ang users ng social networking sites.

We also have this character kasi na kapag bago ang ibang baths, very strict ang implementation na ginagawa. The thing is, we can no longer, for the meantime, posts statements which are insulting or somehow, libelous. Yung mga hate statements, delikado yun.

Relating to your question no. 3, yes, covered ang freedom of speech natin and libel. Sa law natin, libel restricts freedom of speech. Kaya nga ever since, pinaparepeal yung provision na yung sa revised penal code. Yung rules kasi on libel, sa rpc man or sa republic act 10175 is very subjective. 

What may be libelous to one, may not be libelous for another., Kung pertaining sayo yung statement, you would consider it as libelous.

Accdg to the law,  libel is defined in the rpc defined in the as “the public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, Real or imaginary any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person…” Take note of the part where it says “real or imaginary.So Kahit totoo or Hindi yung Sinabi mo, Basta libelous siya, magiging liable ka.

Also, it must be noted na yung cybercrime law, special penal law yan. Meaning, mala prohibita siya. Pag ganun, with or without intent to commit the prohibited acts, e magiging liable ka for violation of the said law.

Me: How ‘bout reposting of photos? Retweeting? Taking in photos of a trademark? If we are to do those actions, consider as law violators na kami/tayo?

TJ: Yung sa reporting and retweeting, yes, magiging liable din dun.. Willfully aiding and abetting in the commission of the offense yun. 

Yung sa taking in photos of a trademark, sa ibang law naman yun.. Pag trademarks, sa intellectual property code naman yun.

As to being a violator, oo Maging violator ka na just be mere doing of an act. However, it doesn’t mean na makukulong ka na or Maging liable ka na agad Kailangan may magsampa muna ng Kaso sayo.

Me: So we can still take photos of any food na kinakaen or iniinom namin showing a trademark then share it to social networking sites?

TJ: Oo.. Iba naman kasi yan.. Hindi na yan pasok sa cyber crime.. Yung sa laws on trademark, Hindi yan violation. Wala naman infringement na nacocommit by taking and uploading pictures of any products with the trademark

Me: Any retweets regardless of its positivity or negativity counted as violation of the RA?

TJ: No…yung MGa libelous statements Lang na nireretweet yung magiging violation. Pero as I said nga kanina, what may not be libelous for you may be libelous for others. Yung sa cybercrime law, naging issue Lang naman yan Dahil sa inclusion ng libel as acts punishable eh..okay naman yun Kung wala yun.

Me: Oo nga tama. Kasi kung pertaining sa akin ung RT na libelous I would consider it as one.

TJ: Ayun, exactly.

Me: Ung pag shahare ng info, photos eh hindi naman nililimitahan ng ra 10175 diba? Provided na hindi libelous ung shinare tama? 

So how would one determine kung opinion or criticism ung Bnlog? Ni tweet? Since ung rule on libel is very subjective meron bang stated guidelines kung anu ung dapat iconsider as libelous?

TJ: Yep… Basta Hindi libelous. Pero remember na Hindi Lang pertaining to libel yung ra ha

Actually, walang defined guidelines talaga when it comes to determining whether or not a statement is libelous basta if defamatory, and would tend to discredit the person libeled in the minds of the person who would read the statement, pasok as libel

Me: Oo nga alam ko naman un. Ang nagpapa bad kasi sa ra eh ung inclusion ng libel dun diba? 

TJ: Yup.. So far yun yung glaring defect niya

Me: Hmm I see, so anu ang dapat katakutan? Dapat iwasan? Does it really mean na bawal na tlaga magbigay ng negatibong komento?

TJ: Tapos ang pagkaintindi ko rin Dito sa ra, mas madali ka Maging liable for libel Kesa sa libel under RPC (Revised Penal Code) Sa libel sa rpc kasi, dapat may malice on your part kapag ginawa mo yung statement. E sa RA, mere publishing such statement, regardless of Intent or malice, e liable ka na.

Me: Bakit? So does it mean na contra sya sa rpc na stated sa constitution?

TJ: Hmmm.. Makaiba yung rpc at consti.. Hindi embodied sa consti yung rp. Hindi niya din kinocontra. Yung sa rpc kasi, Hindi covered sa provision on libel yung mga acts/statements published through cyber space. 

Yung sa rpc is yung sa mga print ganyan… Yung sa ra, bale inadopt niya yung provision ng libel under rpc, bale committing the acts punishable as libel under the rpc through cyber space.

Me: Ohh i see. May lible thing ba sa consti natin?

TJ: Walang libel sa consti… Freedom of speech andun. Pero yung freedom of speech naman would cover yung restrictions din. Hindi kasi unlimited yung freedom of speech natin under the consti.

Me: Ahhh So bat sinasabi na naviolate ung freedom of speech natin making it unconstitutional?  Dahil ba un sa pagkaka include ng libel sa ra?

TJ: I think it’s coming from the fact na nalilimit nung Batas yung pag exercise natin nung freedom of expression. Kasi diba, whenever there’s a limitation, we always see it as a violation of our right.

Me: Good point yan ah!

TJ: Example, yung freedom of assembly natin, sabi nila naviolate daw yung right na yun, Nung nagpass ng law saying na before mag rally eh kelang an muna nag secure ng permit since nilimit nung law yung freedom na mag rally, Sinabi na nila na naviolate yung right.

Naniniwala ako na sooner or later e magkakaruon ng decision yung Supreme Court regarding this sa dami ba naman ng Kaso na sinampa.

Me: A thin line of difference :)

TJ: And also, freedom of expression yung right involve eh.. Parang Ito yung right na pinakaalam ng Pinoy, so malamang marami talaga magooppose.

Me: Oo nga eh internet to eh, most of the Filipino population is using this medium :)

TJ: Exactly

Me: How ‘bout the Skype and YM included sa RA?

TJ: NO. Private communication yun eh.

 Me: I mean ung iba kasi nag woworry na hindi na nila magagawa ung usual na gingawa nila sa skype and ym.

TJ: Ahhh. Kung normal Skype and ym, it’s not a violation. Cyber sex and child prostitution ayun pasok.

Me: Eh what if for personal pleasure naman ung cyber sex? No human rights violated? Since ginusto naman nila pareho? 

TJ: Yung sa cyber sex naman… Ang take ko diyan, if for personal pleasure, hindi. 

Contemplating on the words of the law kasi. (Cybersex is  The willful engagement, maintenance, control, or operation, directly or indirectly, of any lascivious exhibition of sexual organs or sexual activity, with the aid of a computer system, for favor or consideration. So if it’s not. ‘Fr favor or consideration’, Hindi siya punishable act. So if two consenting adults, and done privately and not through a scandalous manner, Hindi siya punishable act that’s what I think…

Me: Ahh I see, for as long as hindi pinilit na gawin un hindi sya punishable by law.

TJ: Yup. Tsaka Hindi for consideration - meaning walang bayad. Tsaka not amounting to prostitution It’s not punishable.

Me: Meron pa, kelan magiging punishable under RA ung pag save mo ng photos na hindi sayo?  Kapag ba ginamit mo ito para makapanira ng ibang tao? Magpanggap na ikaw ung nasa picture? Ang under ba tlaga ng RA yang pagsa2ve ng photos na hindi naman sayo?

TJ: Upon reading the law again, Hindi violation yung pag save ng photos ng Hindi sayo. Kasi the mere fact na Pinost ng Tao yung photo na yun, it becomes public property na, and anybody can save it. Yun punishable is yung magpanggap na ikaw yung NASA pcture Computer related identity theft yun

Me: Ah I see, nabasa ko kasi sa comment nang iba na hindi na ppwede ang mag save ng photos na hindi mo naman pagmamay-ari. 

 What if you used the photo as your primary picture but you are not pretending to be the person on that photo? Would you still be consider liable under the RA?

TJ: Well.. That’s where I’m not sure if considered pa siya as identity theft.. Kaya Siguro Naisip nila na pasok sa identity theft yung passage nung photo ng ibang Tao is because of the definition na Acquisition, use, misuse etc of identifiable info. 

Ang issue kasi siya, what if picture ng artista, tapos sinave mo just for personal consumption I don’t think that act is punishable parang ganun

Me: Oo nga naman provided nga na hindi ka nagpanggap bilang sya diba?

TJ: Yes.. So yung MGa poseur diyan, Lagot na.

Me: Oo nga pero sabi mo nga makukulong lang naman sila if may magsampa ng kaso right? 

TJ: Yes.. Just like other violations of special laws, dapat may complaint or information muna na filed against you tsaka Hindi agad agad kulong, The constitution grants us due process. 

Me: Ty what if nag post ka ng comments (negative) consider as liable kna nun but not yet punishable? Hanggat wlang nag fi2le ng kaso? 

TJ: Siguro it’s better to couch it this way… You violated the law due to the commission of an act punishable under such; So the violation makes your criminally liable already. But such liability would not mean na maimprison ka na agad or magbabayad na nung fine may hearing hearing parin yan. Although siyempre, upon commission of the offense, it’s possible na may magfafile na ng complaint against you

Me: Ahh ganun pla, liable kna pero hindi kapa mag tatake in sa consequences of your action since you’ll still undergo due process of law?

TJ: Yesss. Kasi they would still prove your guilt eh..

Me: So automatic? Once you posted a libelous statement may mag fi2le na sau ng kaso? Agad agad?

TJ: No no.. What I meant was, let’s say nag post ka ng libelous statement, tapos yung subject nung statement na yun eh Nabasa niya, pwede siya magfile ng complaint against you pero yung complaint it doesn’t mean na maaarrest ka na agad at ikukulong, no.

Me: What if nabasa nga nya pero hindi naman sya gumawa ng aksyon? Anung mangyayari?

TJ: Edi wala :) Basta pag walang nagfile ng complaint against you, walang kaso.

Yung iba nga diba, nag commit ng rape, Kung walang magfafile ng complaint sa kanila for the crime of rape, Hindi sila magiging liable.

Me: May mga nabasa ako na mas mahaba ung span of imprisonment sa violation of RA kesa sa Rape? Tama ba? Read it sa mga comments nila na pag sa violation of RA 12 years tas pag sa Rape e 3 years lang. Please enlighten us :) 

TJ: No… Mas mahaba yung sa rape.. Walang issue yung penalty of imprisonment. Basta pag walang complaint, walang kaso. 

Hala Hindi.., yung sa ra, prision mayor, meaning 6 years and 1 day to 12 years; yung rape is reclusion perpetua is 20 years and one day to 40 years, depending Kung life imprisonment or hindi. Basta mas mataas parin ang rape Kesa sa violation ng RA. Siguro reclusion temporal na yung highest degree of penalty na pwede gawin pag violation ng RA and that’s if may commission ng child pornography.


Hindi ko alam kung naitanong ko ba lahat ng pwedeng itanong sa knya. Past 12am na din kasi nung tinalakay namin ung issue na ito. Sana makatulong ung convo namin para mas maintindihan natin ung Cyber Crime Law, basta ko YES to the Revision of the mentioned law :) 

Happy Third year Anniversary

Start tayo sa mga figures. Di ko na naman kailangang itype kasi very obvious ung number haha. 

Three years na pala simula nung nagsimula ako dito sa tumblr September 25, 2009 to be exact. Thanks to my bespren, sya nagpakilala sa akin ng tumblr and unfortunately di na sya active dito matagal na. 

1st year of tumblr experience ko all about reblogging good quotes, mga jeje personal post na nung binasa ko eh nahiya din ako haha (wak mo na balaking magbasa sa archives ko wala kang mapapala haha), random photos and random thoughts. Ung pag bblog na wlang pakialamanan. Hindi ko pinapansin kung para saan ba ung notes. Bsta alam ko ito ung site na hindi alam ng nakakararami. Wlang ganito ung mga kaibigan ko. Pwede ako ditong magdaldal ng lampas sa 140 characters. Magpaka emo at magbigay ng saloobin sa mga bagay-bagay dito sa mundo. Blogging at its finest ika nga nila pero hindi ko din naman nagawa ung blogging at its finest kasi nga tamad ako magtype haha.

2nd year ito ung pinakamatumal na year sa blog ko. Sobrang idle, hiatus ko nito. Ito kasi ung taon kung saan busy ako sa paghahanap ng trabaho na kung mag oopen ako eh mag re2blog lang ako ng kung anu-ano. Napaka boring noh? Pero di ko pdn dinelete/dineactivate ‘tong account ko, dito din ako nagsimulang makakilala ng mga kaibigan gamit ang tumblr.

3rd year ito yung year kung saan mas nag explore ako. Mid 2011 nung finollow ko si Abarai Rj. Na inspired ako mag blog ulet. Ang daldal kasi nya, nakakatuwa, nakakainganyo and nakakapagbigay ngiti. Kaya ayun follow follow din. Mas madami akong naging kakilala at kaibigan (hindi ko na babangitin baka kasi may makalimutan ako at may magtampo pa haha) Naging makulay ung dash ko ung tipong everyday na ko nag oopen ng tumblr account. This year ko lang din nalaman ung TTH na yan haha. Ung ibig sabihin ng KADA (hindi po ako member ng kahit anong kada haha). Ung missing-e extensions at kung anu-ano pa.

Malamang napansin nyo na ang damot ko sa pagfollow ng blog ayoko lang ng issue, nabanggit ko na kay Nelsey and Cris ‘to. Ayoko ung tipong mag lo2g out ako dito sa tumblr kasi may nabasa akong issue kay ganito, issue kay ganyan, landian ni blah kay blah, ung mga ganyan. Minsan hindi ko din naman maiwasan na hindi makabalita sa issue kasi may mga finofollow din nman ako na nagbbgay opinion sa kung anumang issue ung nagaganap, anung ginagawa ko pag ganoon? Basa basa din haha pero I don’t take it as an opportunity para makisawsaw provided na hindi naman ako involved dun sa issue na un diba? hihi

Basis sa pag follow? Kapag napangiti ako ng isang post nya, kapag napasmile, kapag nag back read ako ng di ko namamalayan ang oras, kapag rant post pero swabe, kapag grabe magpatawa nung post at higit sa lahat kapag ramdam ko na hahanap hanapin ko ung post nito. Good blog possessing good vibes to be exact :) 

Three years of blogging pero consider me as a newbie. Ang dami ko pang dapat matutunan. Ang dami ko pang gusto makilala personally. Ang dami ko pang gustong malaman. Ang dami ko pang gustong sabihin. Nagbago ba ung tumblr? Feature wise OO, kasi kailangan nya mag modify para makiayon sa kasalukuyang panga2ilangan pero kung ung purpose kung bakit may tumblr HINDI. Nag-iba lang ng pamamaraan ung mga blogger, nagkaroon ng bagong miyembro na may bagong istilo, pananaw at  ugali. Mas naging kilala na din kasi kaya naging komersyalisado.

Sa mga kaibigan at magiging kaibigan ko, Salamat for making me smile sa bawat post nyo. Thank you for considering me as a friend. Salamat kasi hindi lang dito sa tumblr tayo nakakapag-usap. Salamat kasi once again kayo ung nagpatunay na merong pagkakaibigang pwedeng mabuo gamit ang internet site (insert makabagbag damdaming awitin). Sa mga treasured followers ko SALAMAT! Kung maisipan ko man na mag deactivate bago ko gawin un ibbgay ko phone number namin, cellphone numbers and email addresses para usap-usap padin tayo. Sana mameet ko lahat kayo para naman maka hand shake ko :) 

Ayun! Happy thirdy to me! ^^

P.S

Kung ako ung reader tatamadin ako basahin ung ganitong kahabang post haha. 

Eh ang tigas kasi ng ulo mo eh, sinabi na nga kasi sa’yong tigilan mo na cge go kapa din! Hindi kaba napapagod sa paulit-ulit na sistema mo/nyo? Ngayon masaya bukas iiyak tas vice versa. Para kang tanga sa ginagawa mo. Ilang beses ko/namin ikaw pinagsabihan pero sadyang wla naman na kaming magawa eh, ayan ka eh! Immune kna siguro sa sakit teh!

Napakasarap sa feeling na ikaw lang ung minamahal nya, ung tipong hindi ka humihingi at nakikihati sa pagmamahal at pagmamay-ari ng iba. Ewan ko, hindi ko alam kung bakit ung iba mas pinipili nila na makihati, un bang maging other man or woman kahit na merong silang pagkakataon na maging Only One. Siguro kasi mas exciting? Mas masaya? Mas may thrill? Kasi nga naman tago? F*ck those reasons! Kasi sa huli ikaw padin ung talo eh, ikaw ung iiyak at maiiwan kasi nga naman ikaw ung nanlandi, ikaw ung kumagat sa motibo at ikaw ung mas nagmahal ng totoo. Wak mong idadahilan na eh kasi sya ang sweet sweet nya sa akin, maalaga, bsta iba sya. Utang na Aso naman oh! Ikaw sa sarili mo alam mo na committed ung tao pero ano? Nagpadala ka padin sa emosyon mo, napaniwala ka na pwede nyang iwan ung gf/bf nya ngayon, na pwedeng merong mabuong relasyon na Happy ever after do exist..

Pero ung totoo, masisi mo ba ung taong malapit sa’yo kung mainvolve man sya sa ganyang uri ng relasyon at pagmamahal? Eh paano nga kung sa taong un nya lang naramdaman ung pag-aalaga na hindi naman naibigay ng iba? Ung pagmamahal na matagal na nyang hinanap at hinintay? Ung kasiyahan na di kailanman nya naramdaman noon? Na kahit umiiyak sya at nasasaktan tuloy parin sya sa ginagawa nya kasi MAHAL nya eh.

Given those questions, can we blame them? Some might say YES, other might say No but at the end of the day Sila padin yan eh, buhay padin nila yan. Ang tanging magagawa nalang natin siguro para sa kanila eh ung mag-antay na mapagod sila sa Katangahang sila din naman ang may gawa. Ung mang-asar at tawanan sila sa panahong nageemo sya dahil mas piniling makasama ni ISa ung Number 1 at higit sa lahat eh ung iparamdam na may kaibigan silang masasandalan sa panahong iniwan na sila nung taong kinabaliwan nya ng lubusan. Ung at the end of the day tatawanan nlang nya ung pagsabi mo sa knya na ANO NgaNga :3

Nagising ako ng 11:30 ata un or 12pm haha. Paglabas ko galing sa kwarto sabi ng kapatid ko, “kuya ang haba ng tulog mo ha, parang ang lamig sa kwarto nyo”. Hindi nalang ako nag react hahah wla pa ko sa wisyo e :))

Kaya lang naman ako nalate ng gising kasi sobrang sakit ng katawan ko, daig ko pa nag initiation sa isang fraternity haha. Hindi ako makaupo ng maayos, ung kanang braso ko namamaga, ung likod ko ang sakit haha. 3 hours and half an hour ung game namin kahapon. Since tatlo lang kami eh singles ang laro namin haha. Hindi tlaga ko sanay mag singles since ikaw lang lahat ang gagalaw, sa likod, sa harap, sa gilid. Gagawin mo lahat un haha, mag-aala flash ka para lang mabalik mo ung shuttle cock sa kalaban, buwis buhay haha.

May mga nakilaro din samin. Ang galing nila, halatang naglalaro tlaga. Lagi kaming nadadale sa drop shot haha since pareho kaming attack player nung officemate ko  natambakan tuloy kami. Sa sunod aaralin na tlga namin ung doubles haha. Sinubukan din namin na dalawang player ung kalaban tas ikaw mag-isa lang haha. Effort kung effort pero ang saya kasi mate2st talaga agility and power mo :))

Bukas may leveling para sa Kapamilya  Badminton Tournament and hindi ko alam kung makakalaro ako since ang sakit ng katawan ko, good luck nalang tlaga :))

Random Facts about Nhad

1. My full name is Magboo, Leonard Pinto 

2. I just turned 22 last February 12.

3. I live somewhere in Quezon City.

4. I have 4 (four) siblings.

5. Si Papa ay taga quezon province and batangas while Mama is from Pangasinan.

6. I took up Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management during college. (Madami akong gustong course actually haha)

7. I am now currently working on ABS-CBN ROHQ Finance division.

8. Mahilig ako kumaen pero ndi ako matakaw (Magkaiba un swear haha)

9. Kaya kong manuod ng sine mag-isa hehe

10. I love singing.

11. Avid fan ako ni Naruto.

12. Mahilig ako sa sapatos pero ndi naman sobrang dami ng sapatos ko kasi maxadong mahal ang luhong ito =)

13. I love Mama’s spaghetti and any other pasta dishes.

14. Fan ako ng doodle art.

16. Suplado daw ako (Madami na nagsabi haha)

17. Masungit ako (Madalas ako sabihan nian kasi naman minsan wla lang tlga ako sa mood haha)

18. Masayahin ako 

19. Hindi ako maxado nagtetext kasi wla din naman ako katext haha.

20. Nagkakape ako pero ndi ako adik sa kape.

21. Naghahanap ako ng lovelife ngaun kunwari.

22. I am planning to take up my Masteral Degree this year or next year depende sa magiging ipon ko ngaun =))

 23. Bilib ako sa maayos manamit at pumorma.

24. Friendly

25. Mabait ako (feeling ko lang naman)

26. Mahilig ako magpulbo :))

27. Halos weekly ako gumala.

28. Pinaka late ko ng tulog dahil sa pag iinternet ay 4am.

29. Gusto ko ung taong humble kahit na may maipagmamalaki.

30. Thankful ako sa mga taong nakapaligid sa’kin.

31. Madalas ako mag crave sa leche flan and ice cream.

32. Nag-iipon ako para sa kinabukasan haha

33. Hindi ko alam pero parang ang moody ko minsan hahah.

34. Mahilig ako mag advice tungkol sa pag-ibig.

35. I am witty and cheerful.

36. Madami akong color purple/violet na damit (T-shirt, Polo and long sleeves) Ndi ko alam kung bakit pero feeling ko ksi ang puti ko kapag suot ko yan haha

37. I stand 5’9.

38. 158lbs ako (Overweight daw ako sabi sa APE ko na ndi ko matanggap bwahaha)

40. Malapit ng mag 10k ang tweets ko (Tengene ang daldal ko haha)

41. Random blogger ako.

42. Appreciative ako kaya kahit simpleng bagay lang e nagpapasalamat na ko.

43. Meron akong tatlong medium size gadget bwahaha.

44. Favorite color ko ang blue.

45. Madami akong pinananiwalaang motto.

46. Natutuwa ako sa mga banat at pick-up line.

47. Ginagaya ang tawa ko sa office haha.

48. Boo ang nickname ko nung high school at hanggang ngayon.

49. Nhad naman sa karamihan at sa social networking sites.

50. Meron akong 5 year old coinpurse na never ko pa nilabahan at never din nawalan ng pera haha (ndi po xia mabaho haha amoy pera xia infact hehe)

51. Hindi po ako marunong  mag bike.

52. Hilig ko ang kumaen ng piattos (roadhouse flavor).

53. Isama mo na ang vcut, pringles at ang all time favorite ko na cheetos haha.

54. Na appreciate ko na po ang milk tea :)

P.S 

Wla na ko iba pang masulat hahah. Basta bahala nalang kau kumilala sakin. Promise di naman po ako snob =)

Ang pag-ibig bow

Ang pag-ibig walang pinipiling oras, walng pinipiling Tao, Lugar, Edad o pagkakataon, kusa itong nararamdaman, hindi pinipilit, hindi inaalam.

minsan, darating nalang ito kung kailan hindi natin hindi inaasahan, madalas wrong timing, madalas walang kasiguraduhan, magugulat ka nalang isang araw may nararamdaman ka napala para sa kanya.

masasabi mong mahal mo ang isang tao kung wala kang ibang rason para mahalin ito. ung tipong MAHAL mo lang sya basta. wala ng mahabang paliwanag, wala ng kung ano pa mang dahilan.

di mo din ito masusukat, di mo ito maitatago, kapag nagkaroon ka ng rason kung bakit mo sya mahal, hinid na pag mamahal ang tawag dun.

Ganito makapangyarihan ang tinatawag nilang LOVE, daig pa nito ang isang Epidemya na unti unting lumalason sa buo mong pagkatao. para kang nababaliw, wala ka ng paikelam sa ibang bagay sa paligid mo, kahit bumiyahe ka ng 10 oras makasama mo lang siya gagawin mo, mag kanda ABSENT sa trabaho, Matulog ng LATE, mag paka JOLOGS, KORNY, at kung ano ano pang bagay na dati rati’y tinatawanan mo lang. 

masarap magmahal kung pareho nyo itong nararamdaman, kaya naman hindi ako naniniwala sa LIGAW, hindi ako naniniwala na kailangan kong humingi ng permiso na Mahalin ang isang tao. LOVE is UNIVERSAL, LOVE HAS NO LIMITATION, bakit mo ito kailangan ipag paalam? di ba mas masarap kung ipapadama mo nalang? mas masarap na kusa nyo nalang itong maramadaman?

mas naniniwala ako sa pagakakibigan na natuloy sa pag mamahalan, hindi nasusukat ng Mamahaling Regalo o magarbong DINNER DATE ang pagmamahal ng isang tao, ang mahalaga, kahit sa SOFITEL o sa IHAW IHAW lang kayo nag date; mahal mo ung taong kasama mo.

wag mong takasan ang pagkakataon na meron ka, dadating at dadating ang pagkakataon na magmamahal ka din. kailangan lang handa kang mabaliw, magsakripisyo, magpakatanga kung paminsan minsan at hayaan mo ang puso mo ang magdikta. dapat, isa lang ang rason mo pag dating nito…

“MAHAL mo sya dahil MAHAL mo sya, wala ng ibang dahilan pa. “