Eh ang tigas kasi ng ulo mo eh, sinabi na nga kasi sa’yong tigilan mo na cge go kapa din! Hindi kaba napapagod sa paulit-ulit na sistema mo/nyo? Ngayon masaya bukas iiyak tas vice versa. Para kang tanga sa ginagawa mo. Ilang beses ko/namin ikaw pinagsabihan pero sadyang wla naman na kaming magawa eh, ayan ka eh! Immune kna siguro sa sakit teh!

Napakasarap sa feeling na ikaw lang ung minamahal nya, ung tipong hindi ka humihingi at nakikihati sa pagmamahal at pagmamay-ari ng iba. Ewan ko, hindi ko alam kung bakit ung iba mas pinipili nila na makihati, un bang maging other man or woman kahit na merong silang pagkakataon na maging Only One. Siguro kasi mas exciting? Mas masaya? Mas may thrill? Kasi nga naman tago? F*ck those reasons! Kasi sa huli ikaw padin ung talo eh, ikaw ung iiyak at maiiwan kasi nga naman ikaw ung nanlandi, ikaw ung kumagat sa motibo at ikaw ung mas nagmahal ng totoo. Wak mong idadahilan na eh kasi sya ang sweet sweet nya sa akin, maalaga, bsta iba sya. Utang na Aso naman oh! Ikaw sa sarili mo alam mo na committed ung tao pero ano? Nagpadala ka padin sa emosyon mo, napaniwala ka na pwede nyang iwan ung gf/bf nya ngayon, na pwedeng merong mabuong relasyon na Happy ever after do exist..

Pero ung totoo, masisi mo ba ung taong malapit sa’yo kung mainvolve man sya sa ganyang uri ng relasyon at pagmamahal? Eh paano nga kung sa taong un nya lang naramdaman ung pag-aalaga na hindi naman naibigay ng iba? Ung pagmamahal na matagal na nyang hinanap at hinintay? Ung kasiyahan na di kailanman nya naramdaman noon? Na kahit umiiyak sya at nasasaktan tuloy parin sya sa ginagawa nya kasi MAHAL nya eh.

Given those questions, can we blame them? Some might say YES, other might say No but at the end of the day Sila padin yan eh, buhay padin nila yan. Ang tanging magagawa nalang natin siguro para sa kanila eh ung mag-antay na mapagod sila sa Katangahang sila din naman ang may gawa. Ung mang-asar at tawanan sila sa panahong nageemo sya dahil mas piniling makasama ni ISa ung Number 1 at higit sa lahat eh ung iparamdam na may kaibigan silang masasandalan sa panahong iniwan na sila nung taong kinabaliwan nya ng lubusan. Ung at the end of the day tatawanan nlang nya ung pagsabi mo sa knya na ANO NgaNga :3