Sabi nung head namin kanina kada makakasalubong nya ko or madadaan sya sa area ko.

Leonard, ang itim mo tlaga.

Kung may contest ng choco na tao nung team building ikaw na panalo.

May iitim kpb? Sulit na sulit summer mo eh.

Grabe hinahard ako nung boss namin. Last week ung manager namin ung ganun. Huhu.

Paano ba naman kasi sulit na sulit ang summer. Nag bora ng 4days tapos every weekend eh may swimming. Sino bang di iitim? :(
Bibili na tlaga ko whitening soap ang tagal din kasing bumalik nung kulay ko dati tas ang itim ko tlaga. :(

Habang pasakay papauwi naalala kita kasabay ng malakas na pag-ulan.

Nasaan na nga ba ung dating kasama ko sa panonood ng sine? Ung kasama kong tumawa? Ung kasama kong pumila. Ung taong natatawa pag nagugulat ako sa mga eksena sa pelikula. Asan naba ung movie buddy bespren ko?

Namimiss na kita. Sana maalala mong magtext. Sana pag nag I Miss You ka eh iparamdam mo naman sa akin hindi lang bsta nag I Miss You ka. Matagal na tayong di nagkakausap ng maayos. Matagal na tayong di nagkikita. Namimiss na kita. Anu na bang nangyari sa masayang pagkakaibigan natin? Ang daming bagay ang nagpapa alala sa akin patungkol sa’yo. Nalulungkot ako pag naiisip ko ung nangyari sa pagkakaibigan natin. Very random. Sa mga panahong tulala ako ayun naiisip ko. Nakakapanghinayang kung hindi maayos :(

Bespren, balik kna please? :(

Excited pa man din ako makita ka.

Excited pa man din ako makausap ka.

Excited pa man din ako na makasama ung original food buddy ko.

Excited pa man din ako na icelebrate ung birthday mo na dapat eh last month pa.

Excited pa man din ako na icelebrate ung araw ng pagkakaibigan natin.

Excited pa man din ako na baka bumalik na ung dating pagkakaibigan natin.

Excited akong bilhin ung penguin na gusto mo kasi sabi mo lagi nalang iba ung binibigyan ko nun.

Pero pero pero….

Wala na.. Wala na… Walaaaa naaaahhhh :(

Great! 34 mins of phone call charged to my consumable eh nauwi sa WALA! Ay buhay! Saklapp! :(

Gusto kong mag food trip, pero asan ka?

Gusto ko manood ng bagong movie pero asan ka?

Gusto ko makipag kwentuhan sa’yo pero sabi mo antayin kong magtext ka ulet sa’kin.

Tengene! Hanngang kelan ba ganito? Hanggang kelan ka magiging ganyan? Apektadong apektado ung pagkakaibigan natin oh! :(

Mag eend na ang december, ito na ung month na icecelebrate natin ung panibagong taon ng pagkakaibigan pero anu na nangyari? :(

Ano na ba?! Hindi ko na alam…

And maybe the old songs,
Will bring back the old times,
Maybe the old lines will sound new.
Maybe she’ll lay her head on my shoulder,
Maybe old feelings will some through…
Maybe we’ll start to cry,
And wonder why…we ever walked away

Maybe the old songs, 
Will bring back the old times
And make her wanna stay…oh—ohhh


Convo

Me: Ma’am!! I’m gonna die! Tatlo po ang entry ng Star Cinema for MMFF :(

Supervisor: Leonard hindi kpb sanay? Then I guess you will die :))

Me: Ay Ma’am you’re gonna die din kasi kung anung gagawin ko ipapasa ko din po sa inyo bwahaha

Supervisor: (sabay bawi) Naku pagtutulong tulungan natin yan para walang mamatay sa atin.

Me: See Ma’am takot ka din pala eh haha.

Pero seriously, kinakabahan ako for next year kasi ung work load ko eh magiging quadruple dahil nga sa MMFF billings ng Sisteraka, One More Try and Strangers :( Kuracho ang peg ko nito buong January till 1st week ng February. Papahirapan pa muna ako bago gumala sa ibang bansa :(

Minsan naisip ko, ang pangit kong maging bespren or kaibigan.

Mabilis ako magtampo kapag di nagparamdam ung kaibigan ko. Di man lang makapag text, tumawag, mangamusta sa facebook, twitter o tumblr. Ano taga bundok lang? Super busy di na nakakagamit ng phone or computer? Ihi lang pahinga sa office o school?

Ang weird ko kasi bat ba ko magtatampo? Unang una may sarili silang set of priorities gaya nga ng sabi ng isang matalik na kaibigan. Dagdag spices lang sila sa buhay natin at hindi natin sila laging malalasahan when the day ends. Pangalawa, kaibigan lang naman ako kaya ung pagdedemand eh hindi ko kayang hingin.

Ito lang naman problema ko eh, ang bilis ko makamiss ng isang tao. Mali ba un? Or nagiging mali lang kasi ang unfair ko para isiping hindi nila ko naalala or naiisip?

Nasa tides ang ibang officemates ko ngayon.

Susunod sana ako kaya lang grabehan ung katamaran ko. Gustong gusto ko na matikman ulet ung Badtrip Drink sa tides tas magiging color green ung wiwi and pupu ko after haha. Tas bangag sa office. Makaka ilang kape and super lamig na softdrinks tas tas ayyy katamaran ko kasi :(